Kaugnay “CHIPS and Science Act” na pinagtibay kamakailan ng Senado ng Amerika, ipinahayag Hulyo 28, 2022, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinabi ng Amerika na layon nitong pataasin ang kakayahan ng kompetetisyon sa industriya ng siyensiya at teknolohiya, at manupaktura ng chip ng Amerika.
Pero, kabilang din aniya sa nasabing batas ang ilang regulasyon na maglilimita sa normal na kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya ng Tsina at Amerika, kaya ito’y matinding tinututulan ng Tsina.
Ani Zhao, ang pagpapaunlad ng sarili ay nasa kamay ng Amerika, pero ang hakbang na ito ay hindi dapat humadlang sa normal na kooperasyong pansiyensiya at panteknolohiya, at pagpapalitan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Amerika, at hindi rin dapat sumira sa lehitimong karapatan ng pag-unlad ng Tsina.
Walang restriksyon ng Amerika ang magpapa-urong sa progreso ng Tsina sa siyensiya, teknolohiya at industriya, saad ni Zhao.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio