Ipinahayag nitong Huwebes, Agosto 11, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ulat na “US commits serious crimes of violating human rights in the Middle East and beyond” na inilabas ng China Society for Human Rights Studies, ay sistematikong nagbunyag ng malubhang krimen ng Amerika na lumabag sa karapatang pantao sa Gitnang Silangan at mga rehiyon sa paligid nito.
Tinukoy ni Wang na ayon sa nasabing ulat, madalas na inilunsad ng Amerika ang digmaan sa rehiyong ito na lumapastangan sa karapatan ng buhay, sapilitang binago ang rehimen ng mga bansa sa rehiyong ito at isagawa ang unilateral na sangsyon na nakapinsala sa karapatan ng pag-unlad at kalusugan.
Bukod dito, sinabi ni Wang na linabag rin ng Amerika ang kalayaan sa pananampalataya at relihiyon sa Gitnang Silangan.
Nanawagan si Wang sa UN Human Rights Council at Office of the High Commissioner for Human Rights ng UN (OHCHR) na bigyan ng mas mahigpit na pansin ang mga krimen ng Amerika na lumabag sa karapatang pantao sa Gitnang Silangan at gamitin ang mga angkop na hakbangin kaugnay nito.
Salin: Ernest
Pulido: Mac