NGO ng Tsina, isinapubliko ang mga krimen ng Amerika sa karapatang pantao sa Gitnang Silangan

2022-08-09 15:05:48  CMG
Share with:

Isinapubliko ngayong araw, Agosto 9, 2022 ng China Society for Human Rights Studies (CSHRS), isang Non-Government Organization (NGO), ang ulat para ibunyag ang mga malubhang krimen ng Amerika na nakapinsala sa karapatang pantao sa Gitnang Silangan.


Ang naturang ulat ay pinamagatang U.S. Commits Serious Crimes of Violating Human Rights in the Middle East and Beyond.


Sinipi ng ulat na ito ang datos ng Smithsonian Institution Magazine na nagsasabing mula noong 2001, inilunsad ng Amerika, sa ngalan ng paglaban sa terorismo, ang mga aksyong militar at digmaan sa halos 40% ng mga bansa sa buong daigdig.


Anang ulat, ang datos na inilabas ng United Nations ay nagpapakitang di-kukulangin sa 350,000 katao ang namatay sa aksyong militar ng Amerika sa Syria at mahigit 12 milyong mamamayan ng Syria ang naging refugees.


Ayon sa ulat, mahigit 47,000 sibilyan ang namatay sa digmaan na inilunsad ng Amerika sa Afghanistan.


Tinukoy din ng ulat na ito na laging ginagamit ng Amerika ang aksyong militar para ibagsak ang rehimen ng mga bansa sa Gitnang Silangan at sapilitang itatag ang di-umano’y sistemang “American Democracy” sa bansang ito, na gaya ng Iraq at Afghanistan.


Salin: Ernest

Pulido: Mac