Tsina, mariing tumututol sa pagpapadala ng lider na Hapones ng handog sa Yasukuni Shrine

2022-08-15 16:32:55  CMG
Share with:

Ipinahayag ngayong araw, Agosto 15, 2022, ng Embahadang Tsino sa Hapon, na iniharap na nito ang solemnang representasyon sa Hapon kaugnay ng pagpapadala ng handog ng mga opisyal ng Hapon, na kinabibilangan ni Punong Ministrong Fumio Kishida ng Hapon, sa Yasukuni Shrine.

 

Mariin itong tinututulan ng Tsina, ayon sa embahada.

 

Hinimok din ng Embahadang Tsino sa Hapon na dapat malalim na pagsisihan ang mapanalakay na kasaysayan nito, at lumayo sa militarismo.

 

Salin:Sarah

Pulido:Lito