Sa proseso ng pag-ahon sa karalitaan ng Tsina, sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, itinayo ng pamahalaan ang database para sa bawat mahirap na pamilya.
Mula noong 2014, umabot sa 22.8 bilyon ang bilang ng impormasyon ng halos 90 milyong dukhang mamamayan ng bansa.
Sa pamamagitan ng database, maaaring isagawa ang patakarang “targeted poverty alleviation,” pakataran ng pagtatakda at pagsasagawa ng angkop na patakaran at paraan ng paghulagpos sa kadukhaan ayon sa aktuwal na kalagayang lokal.
Sa ngayon, komprehensibong nakahulagpos sa karalitaan ang 98.99 milyong mahihirap sa mga kanayunan ng Tsina, salamat sa targeted poverty alleviation.
Salin:Sarah
Pulido:Mac