Asul at mabituing langit at puting ulap, isinauli sa mga mamamayang Tsino

2022-08-16 17:00:08  CMG
Share with:

Ang Tangshan ay pinakamalaking lunsod na pinagmumulan ng asero sa Lalawigang Hebei ng Tsina. Ang output nito ay katumbas ng humigit-kumulang 1/8 ng kabuuang output ng buong bansa.

 

Ang Tangshan minsan’y isa sa mga lunsod na medyo malubha ang polusyon.

 


Heto po ang isang litratong kinuha ng satellite 10 taon ang nagdaan, at nakikita ang alikabok sa kalangitan sa itaas ng isang pagawaan ng asero ng Tangshan.

 


Pero sa isa pang litratong kinuha ng satellite noong Marso, 2021, maliwanag ang buong sona ng pagawaan na kinabibilangan ng mga bahay at pasilidad.

 

Nitong nakalipas na 10 taon, marami ang ginawang pagsisikap ng pagawaan para sa malinis na produksyon.

 


Sa sonang kinaroroonan ng pagawaan ng coke, ginamit ang 10 infrared detectors, 15 fog cannons at 2,500 mister heads para sa 24-oras na pagmomonitor sa pamantayan ng alikabok, at pagdidilig ng tubig sa kung sobra-sobra ang pagbuga ng alikabok.

 

Kasabay nito, unti-unting luminis ang estruktura ng enerhiya ng pagawaan.

 

Ang naturang pagawaan ay isang halimbawa lang ng pagbabago ng estruktura ng enerhiya ng Tsina.

 

Nitong nakalipas na 10 taon, laging nangunguna sa buong mundo ang installed capacity at kakayahan sa paggawa ng koryente ng renewable energy Tsina.

 

Ang kalidad ng hangin ay may direktang kaugnayan sa kaligayahan ng mga mamamayan.

 

Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat isauli sa mga mamamayan ang asul na langit, puting ulap at mabituing kalangitan.

 


Salamat sa ginawang pagsisikap ng pamahalaan nitong nakalipas na 10 taon, naging sariwa ang kalidad ng hangin, at madalas na nakikita ngayon ang asul na langit, puting ulap at mabituing himpapawid.

 

Napapatunayan ng lahat ng mga ito ang matibay na determinasyon at walang sawang sigasig ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa polusyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac