Aung San Suu Kyi, aabot sa 17 taon ang pagkakakulong

2022-08-17 16:53:25  CMG
Share with:

Sinentensiyahan noong Agosto 15, 2022, ng Mandalay Region High Court si Aung San Suu Kyi, dating State Counsellor ng Myanmar, ng karagdagang 6 na taon sa bilangguan, dahil sa 4 na kaso ng korupsyon na isinampa sa kanya.

 


Nauna rito, sinentensiyahan na si Aung San Suu Kyi ng 11 taong pagkakabilanggo  kaugnay ng iba pang mga kaso.

 

Noong Pebrero 1, 2021 ini-detain ng militar sina dating Pangulong Win Myint, State Counsellor Aung San Suu Kyi at iba pang mataas na opisyal ng National League for Democracy (NLD). Si Aung San Suu Kyi ay sinampahan ng maraming kaso na hanggang sa kasalukuyan ay dinidinig pa ng korte.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac