Naglakbay-suri hapon ng Agosto 16, 2022, si Xi Jinping, Pangulo ng Tsina, sa lunsod Jinzhou ng lalawigang Liaoning sa dakong hilagang silangan ng Tsina.
Sa kanyang paglakbay-suri sa Donghu Forest Park ng lunsod Jinzhou, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang modernisasyon na may istilong Tsino ay komong kayamanan ng lahat ng mamamayang Tsino sa halip ng kayamanan ng iilang tao.
Sinabi pa niyang sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), isinasagawa ng Komite Sentral ng CPC ang estratehiya ng pagpapa-ahon ng rehiyong hilagang silangan ng Tsina. Dapat aniyang ipagpatuloy ang estratehiyang ito at pabilisin ang pagsasa-ayos ng estrukturang industriyal.
Ang Tsina ay may lubos na kompiyansa sa pag-ahon ng rehiyong hilagang silangan, diin ni Xi.
Salin:Sarah
Pulido:Mac