Tsina, umaasang susundin ng Hapon ang prinsipyong isang Tsina

2022-08-19 16:50:54  CMG
Share with:

Sa ika-9 na pulitikal na diyalogo sa mataas na antas ng Tsina at Hapon na idinaos nitong Agosto 17, 2022, sinabi ng Hapon na ang pagsasanay na militar ng Tsina ay pumasok sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Hapon, at binigyan-diin nito ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.

 

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Agosto 18, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Hapones at pundamental na pagtitiwalaan ng dalawang bansa, at hindi dapat magkaroon ng anumang pagkalito hinggil dito at wala rin dapat pagtatangkang guluhin o panghimasukan ito.

 


Hinimok ng Tsina ang Hapon na dapat aralin muli ang kasaysayan, sundin ang apat na dokumentong pulitikal ng Tsina at Hapon at pangako nito, sundin ang prinsipyong isang Tsina, at gawain ang mga bagay na makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait, sinabi pa ni Wang.

 

Dahil hindi pa isinagawa ng Tsina at Hapon ang martime delimitation sa karagatan sa silangan ng Taiwan, hindi tinatanggap ng Tsina ang nosyong “EEZ ng Hapon,” dagdag pa ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac