Tsina: Mapayapang pakikipamuhayan at mapagkaibigang kooperasyon, tanging tumpak na pagpili ng relasyong Sino-Hapones

2022-08-18 18:48:06  CMG
Share with:

Agosto 17, 2020, sa Tianjin, lunsod sa dakong hilaga ng Tsina, magkasamang nangulo sa ika-9 pulitikal na diyalogo ng Tsina at Hapon sa mataas na antas, sina Yang Jiechi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Sentral na Komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Takeo Akiba, Director-General of the National Security Secretariat ng Hapon.

 


Ipinahayag ni Yang na ang mapayapang pakikipamuhayan at mapagkaibigang kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili ng relasyong Sino-Haponese. Dapat aniya sundin ng dalawang panig ang mahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at magkasamang magsikap para itatag ang relasyong Sino-Hapones na angkop sa kahilingan ng bagong panahon.

 

Binigyan-diin din ni Yang na ang isyu ng Taiwan ay kaugnay ng pundasyong pulitikal ng relasyon ng Tsina at Hapon at pundamental na pagtitiwalaan ng dalawang bansa. Dapat pahalagahan ng Hapon ang pundamental at pangmalayuang kapakanan ng dalawang bansa at mga mamamayan nila, buuin ang tumpak na pagkaunawa sa Tsina, isagawa ang proaktibo, pragmatiko at makatuwirang patakaran sa Tsina, igiit ang tumpak na direksyon ng mapayapang pag-unlad, sundin ang apat na dokumentong pulitikal at mga pulitikal na komong palagay ng Tsina at Hapon, at magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang mas matural, mas matatag, mas malusog at mas malakas na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Samantala, nagpalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nilang pinahahalagahan. Ipinalalagay ng kapuwa panig na ang diyalogo ay matapat, malalim at konstruktibo. Narating ang mga mabuting komong palagay, at patuloy na napapanatili ng dalawang panig ang diyalogo at komunikasyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Frank