Tsina, pumasok sa hanay ng mga bansang makapangyarihan sa inobasyon

2022-08-19 15:53:32  CMG
Share with:

Nitong nakalipas na 10 taon, tumaas sa 23 ang bilang ng mga national innovation demonstration zone sa Tsina, mula 3 noon.

 


Umabot naman sa 330,000 ang bilang ng mga hay-tek na kompanya, mula 49,000 noong nagdaang 10 taon.

 

Sa pamamagitan ng satellite map, makikita ang pagbabago nitong nakalipas na 10 taon sapul nang lubos na pahalagahan ng Tsina ang pundamental na pananaliksik.

 


Sa Zhangjiang Science City sa Shanghai, Tsina, sunud-sunod na itinayo ang mahigit 10 siyentipikong pasilidad na kinabibilangan ng Shanghai Synchrotron Radiation Facility (SSRF), National Facility for Protein Science sa Shanghai at iba pa.

 


Sa Tianfu New Area, Lalawigang Sichuan ng Tsina, nakatayo ang mga tanggapan ng 25 instituto ng siyentipikong pananaliksik sa antas ng estado, at naisaoperasyon din dito ang kauna-unahang national supercomputing center sa gawing kanluran.

 


Bukod dito, naisakatuparan ng Tsina ang mahahalagang breakthrough sa mga larangang gaya ng high-speed railway, 5G network, manned space activities, at pagsasarbey sa planetang Mars, at kapuwa nangunguna sa daigdig ang industriya ng sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya at new-style display industry ng Tsina.

 

Salin; Vera

 

Pulido: Mac