Kinatawang Tsino sa UN: Dapat pigilan ang “new Cold War” sa daigdig

2022-08-25 16:08:18  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) kaugnay ng isyu ng Ukraine, tinukoy ni Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na ang krisis ng Ukraine at mga pangkagipitang isyu na nagaganap kamakailan sa daigdig ay lubos na nagpapakita na sa harap ng mga kasalukuyang hamon, kailangang magkaisa at magtulungan ang komunidad ng daigdig, para mapangalagaan ang katatagan ng buong mundo, at pigilang mangyari ang “new Cold War” sa daigdig.

 

 

Si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN (file photo)


Sinabi pa ni Zhang na ang buong sangkatauhan ay di-magkakahiwalay na komunidad ng seguridad. Ang pagsasakatuparan ng komong seguridad ay angkop sa komong kapakanan ng iba’t ibang bansa.

 

Ang seguridad ng isang bansa ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng pagsira sa seguridad ng ibang bansa, at hindi dapat igarantiya ang panrehiyong seguridad sa paraan ng pagpapalakas ng sandatahang militar, diin niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac