UN: Ang paghahatid ng mga pagkaing-butil at pestisidyo mula sa Rusya at Ukraine ay nakakatulong sa pagpapatatag ng merkado ng mga bilihin

2022-08-22 14:53:26  CMG
Share with:

Sinabi noong Agosto 20, 2022 sa Istanbul, Turkiye ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang paghahatid ng mas maraming pagkaing-butil at pestisidyo mula sa Rusya at Ukraine ay nakakatulong sa ibayo pang pagpapatatag ng merkado ng mga bilihin at pagpapababa ng presyo ng mga paninda.


Ayon sa pahayag ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Turkiye, bumisita nang araw ring iyon si Guterres sa Joint Coordination Centre ng Black Sea Grain Initiative. Sinabi niyang ang narating na Black Sea Grain Initiative ay kinabibilangan ng pag-aalis ng sangsyon sa mga pagkaing-butil at pestisidyo mula sa Rusya at dapat maigarantiya ang maayos at malayang pagpasok ng naturang mga produkto sa pamilihang pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Mac