Kaugnay ng pagbaha sa Pakistan kamakailan, ipinahayag nitong Agosto 24, 2022, ng Ministring Panlabas ng Tsina ang kalungkutan sa naganap na kalamidad at ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anak ng nasawi.
Ipinahayag din ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinagkaloob ng Tsina, sa ilalim ng China–Pakistan Economic Corridor (CPEC) ang mga tulong na materyal sa Pakistan na kinabibilangan ng 4,000 tolda, 50,000 kumot at iba pa. Ginagamit na ang mga ito sa mga apektadong lugar.
Bukod dito, ipagkakaloob ng Tsina ang bagong batch na pangkagipitang makataong tulong na kinabibilangan ng 250,000 tolda at ibang materyal sa Pakistan, ayon pa sa Ministrong Panlabas ng Tsina.
Dahil sa epekto ng malalakas na ulan, naganap ang baha sa iba’t ibang lugar ng Pakistan, na ikinamatay ng mahigit 700 tao, at nawalan ng tirahan ang mahigit 300,000 tao.
Salin:Sarah
Pulido:Mac