2022 China Internet Civilization Conference, binuksan sa Tianjin

2022-08-29 16:19:54  CMG
Share with:

Binuksan kahapon, Agosto 28, 2022, sa Tianjin, munisipalidad ng Tsina, ang dalawang araw na 2022 China Internet Civilization Conference.

 


Ang kumperensyang ito ay kinabibilangan ng isang pangunahing porum, isang porum sa pagpapaunlad ng integridad sa cyberspace, 10 sub-forums, at eksibisyon at mga themed events.

 

Isinapubliko ang isang deklarasyon na narating sa kumperensya na may 6 na puntong napagkasunduan hinggil sa pagpapalakas ng konstruksyon ng sibilisasyon ng internet sa bagong panahon, sa mga larangang tulad ng ekolohiya, kultura, seguridad at iba pa.

 

Sa pamamagitan ng kapuwang online at offline na paraan, idinaos ang eksibisyon na nakapokus sa bunga na natamo ng Tsina sa pagpapasulong ng sibilisasyon ng internet mula noong Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong 2012.

 

Samantala, ang tema ng mga sub-forum ay kinabibilangan ng pagpapaunlad ng nilalaman, ekolohiya, pamamahala sa cyberspace batay sa batas, pamamahala ng algorithms, pagpapalitang internasyonal, pangangalaga sa pribasiya at iba pa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac