352, bilang ng bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland

2022-08-29 16:27:23  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, nitong Agosto 28, 2022, 352 ang bilang ng naitalang bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.

 

Sa mga ito, 51 ay galing sa labas ng bansa, at 301 ay domestikong kaso.

 

Ayon pa sa datos, 6,648 ang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland.

 

Samantala, 5,226 ang bilang ng mga pumanaw.

 



Salin:Sarah 

Pulido:Mac