Tsina, patuloy na ipinagkakaloob ang tulong sa Pakistan sa paglaban ng baha

2022-08-30 17:01:23  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Agosto 29, 2022, kay Pangulong Arif Alvi ng Pakistan, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang taos-pusong pakikiramay sa mga biktima at kamak-anak nila matapos ang grabeng pagbabaha na naganap sa Pakistan.

 


Tinukoy ni Xi na patuloy na ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong sa Pakistan, at sinusuportahan ang rekonstruksyon ng Pakistan.

 

Nananalig ang Tsina na sa pamamagitan pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Pakistan, tiyak na magtatagumpay ang Pakistan sa paglaban sa baha, saad ni Xi.

 

Ipinahayag din nang araw rin iyon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pakikiramay kay kanyang counterpart na si Muhammad Shahbaz Sharif ng Pakistan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac