Talumpati ni Xi hinggil sa panahon ng bagong kaunlaran, pilosopiya, paradigm, inilathala

2022-09-01 15:22:43  CMG
Share with:

Isinapubliko ngayong araw, Setyembre 1, 2022 sa ika-17 issue ng Qiushi Journal ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa panahon ng bagong kaunlaran, pilosopiya, paradigm ng Tsina.


Ang Qiushi Journal ay flagship magazine ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).


Sa kanyang talumpati, idiniin ni Xi ang kahalagahan ng new development stage sa pagbangon ng Nayong Tsino sa kasaysayan.


Nanawagan si Xi na buong sikap na pasulungin ang pagtatatag ng bagong estruktura ng pag-unlad o "dual circulation" kung saan gagamitin ang domestikong pamilihan bilang pangunahing tampok at pasusulungin ang kapwa domestikong pamilihan at dayuhang pamilihan.


Idiniin ni Xi na dapat gamitin ang new development philosophy para itatag ang new development pattern.


Salin: Ernest

Pulido: Mac