Ilulunsad ng Tsina ang mas detalyadong mga patakaran ngayong Setyembre para pataasin ang pangangailangan at patatagin ang pundasyon ng pagbangon ng ekonomiya, ayon sa pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina na pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina nitong Miyerkules.
Ayon pa sa pulong, sa harap ng di inaasahang kaganapan sa ekonomiya, ganap na gagamitin ng Tsina ang mga patakaran na inihanda ng bansa nitong nakaraang mga taon, at ipatutupad ang mga bagong patakaran at hakbangin para patatagin ang ekonomiya.
Salin:Sarah
Pulido:Mac