Malinis na hangin, napakahalaga para sa buong sangkatauhan

2022-09-08 17:45:56  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati kaugnay ng Ikatlong International Day of Clean Air for Blue Skies, Setyembre 7, 2022, nanawagan si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) para sa magkakasamang magsikap upang maisaayos ang polusyon sa hangin.


Hinikayat din niya ang pamumuhunan sa renewable na enerhiya, pagpapasulong sa sero na emisyon na sasakyang de motor, at maayos na paghawak sa basura. 


Dapat pabutihin ang pagmomonitor sa hangin at bawasan ang greenhouse gas mula sa mga kotse, planta ng kuryente at iba pa, aniya. 


Diin ni Guterres, ang naturang mga aksyon ay inaasahang magliligtas sa buhay ng ilang milyong tao bawat taon, magpapabuti sa pagbabago ng klima, at magpapabilis sa sustenableng pag-unlad.


Noong 2019, itinakda ng United Nations (UN) ang Setyembre 7 ng bawat taon bilang International Day of Clean Air for Blue Skies, bilang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng malinis na hangin, at pangkagipitang pangangailangan sa pagpapabuti ng kalidad ng hangin upang mapangalagaan ang kalusugan ng buong sangkatauhan. 


Salin:Sarah

Pulido:Rhio