Tsina, sasapi sa Deklarasyon ng Paggamit ng Kagubatan at Lupa para sa kapaligirang ekolohikal

2021-11-03 14:29:13  CMG
Share with:

Makikiisa ang Tsina sa iba pang mahigit 100 bansa para sumapi sa Glasgow Leaders' Declaration on Forest and Land Use na inilabas sa World Leaders Summit sa Ika-26 na Sesyon ng United Nations Conference of Parties on Climate Change (COP26). Layon nitong pangalagaan ang ekolohikal na kapaligiran at matugunan ang pagbabago ng klima.

 

Ito ang ipinahayag ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon, Martes, Nobyembre 2, 2021.

 

Ani Wang, upang maprotektahan ang planetang Mundo, komong tahanan ng sangkatauhan, walang patid na nagsisikap at patuloy na magsisikap ang Tsina sa pangangalaga sa kagubatan at lupain.

 

Dagdag pa niya, alinsunod sa konsepto ng komunidad ng buhay ng mga tao at inang Kalikasan, sa kabila ng patuloy na pagliit ng yamang kagubatan sa daigdig, lumaki naman sa kasalukuyang 23.4% ang saklaw ng kagubatan ng Tsina mula sa 12% noong 1980s, at kasabay nito, tumaas nang 8.5 bilyong metro kubiko ang forest stock volume ng Tsina. Bunga nito, ang Tsina ay nahahanay bilang bansang may pinakamalaking pagtaas ng yamang kagubatan sa daigdig at nag-ambag ito ng 1/4 ng bagong lupaing isinagubat ng buong mundo.  

 

Tsina, sasapi sa Deklarasyon ng Paggamit ng Kagubatan at Lupa para sa kapaligirang ekolohikal_fororder_VCG211224202387

Tanawin ng Xinjiang, Tsina 

 

Higit pa rito, tuluy-tuloy rin ang pagsisikap ng Tsina para makontrol ang pagsasadisyerto ng lupa. Dahil dito, maagang naisakatuparan ng Tsina ang target na serong neto ng degradasyon ng lupa o zero net land degradation bago mag-2030 na itinakda ng United Nations, at 1/5 ang ambag ng Tsina sa netong naibalik na lupain o net restored land ng daigdig.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Larawan: CFP

Please select the login method