Kinatawang Tsino sa UN, nanawagan sa pagpapasulong ng GDI

2022-09-22 16:24:20  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Setyembre 21, 2022, sa pulong ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UN), nanawagan si Chen Xu, Pirmihang Kinatawan sa Tanggapan ng Tsina sa Geneva, sa komunidad ng daigdig na aktuwal na pasulungin ang Global Development Initiative (GDI), para igarantiya ang lehitimo, malawak, tunay, at mabisang karapatang pantao ng mga mamamayan; at isakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN upang maitatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng kapalaran ng sangkatauhan.

 


Binigyan-diin ni Chen na ang pag-unlad ay pundasyon ng karapatang pantao, at ang GDI na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ay isa pang ambag ng Tsina sa pandaigdigang usapin ng karapatang pantao.

 

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa upang gawing priyoridad ang pag-unlad at pasulungin ang pagsasakatuparan ng karapatan ng pag-unlad sa buong daigdig, saad ni Chen.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio