Ayon sa ulat kamakailan ng Center for Strategic and International Studies (CSIS), isang think tank ng Amerika, sinabi ng mga dalubhasa na ang Global Development Initiative (GDI) ay makakatulong sa pagpapataas ng episyensya ng pag-unlad at pagbuo ng sinerhiya kasama ng mga umuunlad na bansa.
Anila, dapat magkooperasyon ang mga bansang kanluranin at Tsina para igarantiya ang pagpapatupad ng GDI.
Kaugnay nito, ipinahayag Setyembre 21, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinalulugod ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa iba’t ibang mga bansa, na kinabibilangan ng mga maunlad na bansa, para magkakasamang mapasulong ang pandaigdigang pag-unlad.
Pinapurihan din ni Wang ang obdyektibo at makatarungang kuru-kuro ng mga dalubhasa kaugnay ng GDI.
Aniya pa, sa kasalukuyan, mahigit 100 bansa at pandaigdigang organisasyon ang sumusuporta sa GDI, at nagsisikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang panig, para aktibo at aktuwal na isakatuparan ang 32 deliverables ng Diyalogo sa Mataas na Antas Kaugnay ng Pandaigdigang Pag-unlad para sa Pagpapasulong ng Kooperasyon ng GDI.
Ang hakbang aniya ay nagkaroon na ng mga bunga.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio