Sa kanyang talumpati nitong Setyembre 28, 2022, sa Mataas na Porum sa Pagpapalitang Pangkultura at Pagpapalitang Tao-sa-tao ng Tsina at Argentina, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG) na sa pamumuno ng mga lider ng dalawang bansa, malalim na umuunlad ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Argentina, na naging modelo ng kooperasyon ng mga bansa ng bagong ekonomiya.
Nakahanda aniya ang CMG na magsisikap, kasama ng iba’t ibang sirkulo ng Argentina, para komprehensibong isakatuparan ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, para makapagbigay ng ambag para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Argentina, at pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Ipinahayag din ni Shen na sa panahon ng taong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Tsina at Argentina, magkasamang itataguyod ng CMG at mga media ng Argentina ang aktibidad ng Linggo ng Kultura ng Tsina at Argentina, at ibang mga feature programs na nakapokus sa bungang natamo ng dalawang bansa sa pulitika, kabuhayan, siyensiya, kultura, ekolohiya at iba pang larangan.
Sa pamamagitan ng kapuwang online at offline na paraan, mahigit 100 tauhan ang lumahok sa naturang porum, na kinabibilangan ng mga opisyal ng Tsina, Argentina at ibang bansa ng Latin Amerika, at kinatawan ng media.
Salin:Sarah
Pulido:Mac