Magkahiwalay na ipinadala Huwebes, Setyembre 28, 2022 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Alberto Fernández ng Argentina ang mensaheng pambati sa Mataas na Porum sa Pagpapalitang Pangkultura at Pagpapalitang Tao-sa-tao ng dalawang bansa.
Tinukoy sa mensahe ni Xi na mabuting kaibigan at katuwang ng isa’t-isa ang Tsina at Argentina. Aniya, ang kasalukuyang taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Argentina, at ito rin ay Taon ng Mapagkaibigang Kooperasyon ng kapwa panig. Nitong kahalating siglong nakalipas, nakaranas ang relasyon ng dalawang bansa sa pagsubok ng pagbabago ng situwasyong pandaigdig na nagiging modelo ng pagkakaisa, pagtutulungan, at komong kaunlaran sa pagitan ng bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa, ani Xi.
Umaasa aniya si Pangulong Xi na pagtitipon-tipunan ng mga kalahok ang kanilang komong palagay para mapasulong pa ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Argentina.
Sa kanyang namang mensahe, ipinahayag ni Alberto Fernández na ang mabisang kooperasyon ng mga media ng dalawang bansa ay nakakapagpasulong sa pag-uunawaan ng kanilang mga mamamayan.
Inaasahan aniya niyang mapapalalim ang kooperasyon ng kapwa panig upang makapagbigay ng mas malaking ambag para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at mapayapang pag-unlad ng daigdig.
Sa ilalim ng temang “Pagpapalalim ng Pagpapalitang Pang-media at Magkasamang Pagdudulot ng Kapakanan sa mga Mamamayan ng Tsina at Argentina,” binuksan nang araw ring iyon sa Beijing ang naturang porum na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at Tanggapan ng Kalihim ng Media at Pampublikong Komunikasyon ng Argentina.
Editor: Lito