Opisyal ng Ukraine: Pagpapaurong ng tropang Ruso sa Ukraine, paunang kondisyon ng pagpapanumbalik ng talastasan

2022-10-03 12:56:46  CMG
Share with:

Ipinahayag noong unang araw ng Oktubre, 2022 ni Mykhailo Podolyak, Adviser ng Pangulo ng Ukraine, na sa kasalukuyang kalagayan, walang  oportunidad para malutas ang krisis ng Ukraine at dapat umurong muna  ang lahat ng tropang Ruso mula sa kanyang bansa at saka lamang mapapanumbalik ang talastasan sa pagitan ng dalawang bansa.


Ayon sa pahayag nang araw ring iyon ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, isinagawa ng hukbong Ruso ang malakas at malawak na pag-atake sa mga base ng tropang Ukrainian sa Lyman sa dakong hilaga ng Donetsk.


Salin: Ernest

Pulido: Mac