Rusya sa Amerika: huwag ibayo pang makialam sa kalagayan ng Ukraine; Pangulo ng Ukraine at IAEA Director General, nagtagpo

2022-10-08 16:18:38  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Oktubre 7, 2022, ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na hindi magbabago ang patakaran at paninindigan ng Rusya hinggil sa nuclear deterrence. Nagtatangka aniya ang Amerika at mga kaalyado nitong baluktutin ang paninindigan ng Rusya, at binalaan ng Rusya ang Amerika na huwag ibayo pang makialam sa kalagayan ng Ukraine.

 

Samanatala, sa kanyang pakikipagtagpo nitong Oktubre 6, 2022, sa Kyiv, kabisera ng Ukraine, kay Rafael Grossi, Direktor Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), sinabi ni Volodymyr Zelenskyy, Pangulo ng Ukraine, na ang ganap na “demilitarization” ng Zaporizhzhia Nuclear Power Plant ay ang tanging paraan ng paggarantiya sa kaligtasan ng power plant na ito, Ukraine at nuclear contamination sa Europa.

 

Zaporizhzhia Nuclear Power Plant


Pero, sa kasalukuyan, nananatili sa naturang power plant ang mahigit 500 sundalong Ruso, sinabi ni Zelenskyy.

 

Inaasahan ng Ukraine na kokondenahin ng IAEA ang kapasiyahan ng Rusya na isama ang Zaporizhzhia Nuclear Power Plant sa teritoryo nito, saad ni Zelenskyy.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac