Setyembre 4, 2022, Berlin – Sa kanyang pakikipagtagpo kay dumadalaw na Punong Ministro Denys Shmyhal ng Ukraine, sinabi ni Olaf Scholz, Chancellor ng Alemanya, na hindi ititigil ng kanyang bansa ang suporta sa Ukraine.
Ayon sa balita ng Ukraine, hanggang nang araw ring iyon, umabot sa mga 2 milyong toneladang pagkain ang naihatid na sa pamamagitan ng “Koridor ng Pagkain.”
Ayon pa sa Information Telegraphic Agency ng Rusya (TASS), inihayag ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, na sa paanyaya at kahilingan ng Sekretaryat ng International Atomic Energy Agency (IAEA), pumasok na ang mga kinatawan mula sa 60 media ng iba’t ibang bansa sa Zaporizhzhia Nuclear Power Station.
Sa kasalukuyan, normal pa rin ang lebel ng nuclear radiation sa rehiyon ng Zaporizhzhia Nuclear Power Station, dagdag ng ministri.
Zaporizhzhia Nuclear Power Station (file photo)
Salin:Sarah
Pulido:Rhio