Dalubhasang Britaniko: bungang natamo ng Tsina sa maraming larangan sa nakaraang mahigit 10 taon, suportado ng komunidad ng dagidig

2022-10-10 15:56:27  CMG
Share with:

Sa kanyang panayam kamakailan sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Martin Jacque, dalubhasa ng University of Cambridge ng Britanya, na nitong nakaraang mahigit 10 taon, natamo ng Tsina ang pambihirang bunga sa kabuhayan, lipunan at iba pang larangan.

 

Ito ay suportado at kumpirmado ng komunidad ng daigdig, dagdag niya.



Sinabi niyang napakahalaga ng katuturan ng tagumpay ng Tsina sa paghulagpos sa ganap na karalitaan, at ito ay isang modelo para sa ibang bansa sa paglutas ng nasabing usapin.

 

Bukod dito, walang humpay aniyang lumalaki ang kabuhayan ng Tsina, at naisakatuparan ang dekalidad na paglaki.

 

Ang napakalaking pagsisikap ng Tsina sa pagharap sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay modelo rin ng buong daigdig, saad Jacque.


 

Kaugnay naman ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ipinahayag niyang ito’y kaakit-akit na ideya sa proseso ng pagbabago ng kaayusan ng buong mundo.

 

Tinutukoy nito aniya ang tumpak na direksyon para sa kapayapaan at kasaganaan ng lipunan ng sangkatauhan.

 

Bilang mahalagang plataporma ng pagsasakatuparan ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, walang humpay na pinapasulong ng Tsina ang pagtatayo ng “Belt and Road Initiative (BRI),” sabi ni Jacque.


 

Ito aniya ay nagkakaloob ng maraming pagkakataon para sa komong pag-unlad ng mga bansa sa kahabaan ng BRI.

 

Ipinagdiinan ni Jacque na kahanga-hanga ang bungang natamo ng Tsina nitong nakaraang mahigit 10 taon, at ito’y may komong suporta at kumpirmasyon ng komunidad ng daigdig.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio