Tsina makatuwirang isinusulong ang pagbabago ng pandaigdigang sistema ng pamamahala

2022-09-30 16:53:59  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Setyembre 29, 2022, sa preskon ng “Tsina sa Nakalipas na Isang Dekada,” ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagpapasulong ng Tsina ng reporma ng pandaigdigang sistema ng pamamahala ay naglayong gawin itong mas makatuwiran at makatarungan, sa halip na simulan ito muli.


Chinese Vice Foreign Minister Ma Zhaoxu (R) and Deputy Director of the International Department of the Communist Party of China (CPC) Central Committee Guo Yezhou (C) introduce China's diplomacy at the press conference on "China in the Past Decade" in Beijing, China, September 29, 2022. /CFP


Hindi magbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagsasagawa ng tunay na multilateralismo, pagsisikap sa pagpapabuti ng pamamahalang pandaigdig, at pagsasagawa ng multilateral na kooperasyon, saad ni Ma. 


Sinabi pa niyang ipinagkakaloob ng Tsina ang sariling pananaw sa pamamahalang pandaigdig sa mga mahalagang okasyon, sinusuportahan ang pagiging bukas at inkusibo sa halip ng pagsasagawa ng paghihiwalay at eksklusyon.


Iminungkahi rin ng Tsina ang Global Security Intiative, na sinuportahan ng mahigit 70 bansa, saad ni Ma.


Sa pamamagitan ng pamumuno sa pagpapatupad ng UN 2030 Agenda on Sustainable Development, ibinigay ng Tsina ang mahigit 70% ambag para sa pagtugon sa karalitaan ng buong daigdig.


Ibinigay din ng Tsina ang malalaking puwersa para sa pag-unlad ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng Global Development Initiative, pagtatatag ng China-UN Peace and Development Trust Fund, at pagpapalalim ng South-South Cooperation.


Sinabi pa ni Ma na buong tatag na isasakatuparan ng Tsina ang Paris Agreement, at gagampanan ang mahalagang papel sa magkakasamang pagtugon sa pagbabago ng klima. 


Salin:Sarah

Pulido:Mac