Pangulong Tsino, binati si Alexander van der Bellen sa kanyang muling panunungkulan bilang pangulo ng Austria

2022-10-11 17:09:03  CMG
Share with:

Ipinaabot ngayong araw, Oktubre 10, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang kanyang pagbati kay Alexander van der Bellen, para sa kanyang muling panunungkulan bilang pangulo ng Austria.

 

Tinukoy ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon ng Tsina at Austria. Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ni Pangulong Alexander van der Bellen, para pasulungin ang bagong pag-unlad ng estratehikong relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa, na magdudulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng Tsina at Austria.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac