Ayon sa artikulong inilabas kamakailan ng media ng Austria, hindi maaaring maihiwalay ang mga kompanyang Europeo sa pamilihang Tsino.
Saad ng artikulo, ayon sa datos ng General Administration of Customs ng Tsina, 131% ang inilaki ng pagluluwas ng Xinjiang ng Tsina sa Europa nitong unang hati ng 2021, kumpara sa tinalikdang taon.
Anito pa, noong panahon ng Ika-13 Panlimahang Taong Plano ng Tsina, umabot sa mahigit 146.3 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng bansa na lumaki ng 17.2%.
Bukod dito, mula noong 2015 hanggang unang 10 buwan ng 2020, tumaas sa 11.5% ang proporsyon ng pagluluwas ng Tsina sa pamilihang pandaigdig, samantalang lumago naman sa 14.2% ang proporsyon ng pag-aangkat ng Tsina sa pamilihang pandaigdig.
Kapuwa ang dalawang datos ay lumikha ng bagong rekord sa kasaysayan.
Matibay ang katayuan ng Tsina bilang nangungunang malaking merkado ng mga paninda sa buong daigdig, saad ng artikulo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio