Ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Sino-Aleman, ipinagdiriwang: liham na pambati, ipinadala sa isa’t isa nina Xi Jinping at Frank-Walter Steinmeier

2022-10-12 16:58:04  CMG
Share with:

Ipinaabot Oktubre 11, 2022, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Frank-Walter Steinmeier ng Alemanya, ang mensaheng pambati sa isa’t isa, bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong nakaraang 50 taon, tinunton ng Tsina at Alemanya ang landas ng paggagalangan sa isa’t isa at mutuwal na kapakinabangan.

 

Palagian din aniyang pinapasulong ang relasyon ng dalawang bansa, na nagbigay ng positibong ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.

 

Sinabi rin ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyonsa Alemanya.

 

Nakahanda aniyang magsikap ang Tsina, kasama ng Alemanya para pasulungin ang bagong pag-unlad ng bilateral na komprehensibo’t estratehikong partnership upang makapagbigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Frank-Walter Steinmeier na nitong nakaraang 50 taon, malalim na umuunlad ang relasyong Aleman-Sino sa iba’t ibang larangan, at patuloy ring bumubuti ang pagpapalitan ng dalawang bansa.

 

Sinabi niyang ang Tsina ay pinakamalaking trade partner ng Alemanya, at ang kooperasyong pangkabuhayan’t pangkalakalan ay angkop sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang panig.

 

Umaasaaniya siyang patuloy pang uunlad ang kooperasyon ng dalawang bansa.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio