Magkasamang pagpapabuti sa sistema ng pangangalaga sa mga refugee, ipinanawagan ng Tsina

2022-10-13 16:06:55  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Oktubre 11, 2022, sa United Nations (UN), inilahad ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawang Tsino sa Tanggapan ng UN sa Geneva ang paninindigang Tsino hinggil sa isyu ng mga refugee, at ambag na ibinigay ng Tsina sa pangangalaga sa mga refugee at makataong usapin.

 



Binigyan-diin ni Chen na dapat igiit ang kooperasyon sa multilateral na paraan para mainam na maharap ang hamong dala ng isyu ng mga refugee; suportahan ang mga multilateral na organo na gumanap ng papel sa paglutas sa isyu ng mga refugee, magkaloob ng makataong tulong; at isakatuparan ang Global Compact on Refugees (GCR).

 

Ito aniya ay para mapabuti ang sistema ng pangangalaga sa mga refugee sa buong daigdig.

 

Tinukoy ni Chen na sa katuwiran ng “demokrasya” at “karapatang pantao,” palagiang nililikha ng ilang bansang kanluranin ang digmaan at kaguluhan; nakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa; at lumilikha ng makataong sakuna.

 

Hinihimok ng Tsina ang mga kinauukulang bansa na mataimtim na isaalang-alang ang sariling aksyon, aktuwal na pawiin ang pinagmulan ng isyu ng mga refugee, at isakatuparan ang sariling responsibilidad, saad ni Chen.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio