Ika-6 na summit ng CICA, idinaos sa Kazakhstan

2022-10-14 17:51:29  CMG
Share with:

Idinaos nitong Oktubre 12 hanggang Oktubre 13, sa Astana, kabisera ng Kazakhstan, ang Ika-6 na Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA).

 


Pinagtibay sa naturang summit ang pahayag hinggil sa pag-a-upgrade ng CICA at iba pang dokumento.

 

Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng ibat ibang bansa na buuin ang pondo ng CICA, at suportahan ang Kazakhstan na patuloy na manungkulan bilang tagapangulong bansa ng CICA hanggang taong 2024.

 

Sa summit, opisyal na napabilang ang Kuwait ay bilang ika-28 miyembro ng CICA.

 

Nilagdaan naman ng CICA at Eurasian Economic Union ang Memorandum of Understanding para ang huli ay maging ika-6 partner ng CICA.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac