Tsina at Kazakhstan gagamitin ang pagkakataon, pangangalagaan ang estratehikong seguridad

2022-10-14 17:54:51  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Oktubre 13, 2022, ni Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina, na nakahanda ang Tsina, kasama ng Kazahkstan, na magkasamang pasulungin ang masusing kapakanan ng dalawang panig, ibahagi ang pagkakataon ng pag-unlad, at pangalagaan ang mutuwal na estratehikong seguridad at interes na pangkaunlaran.

 

Ipinahayag ito ni Wang sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazahkstan, sa Astana, kabisera ng bansa.


Nagtagpo sina Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina at Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazahkstan nitong Oktubre 13, 2022, sa Astana / Xinhua

 

Sinabi ni Tokayev na ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay napakamakasaysayang kaganapan. Bubuksan ng Tsina ang bagong kabanata sa pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa sa lahat ng larangan, at magbubukas ng paglalakbay tungo sa katuparan ng ikalawang sentenaryong mithiin.

 

Samantala, sa kanyang talumpati sa ika-6 na summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) nitong Oktubre 13, 2022, sinabi ni Wang na palalakasin ng CICA ang pagkakaisa at kooperasyon, maayos na haharapin ang mga hamon, at itatatag ang komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong Asya.

 

Bukod dito, nanawagan din si Wang na mananagan ang CICA sa paggagalangan at pagtitiwalaan sa isa’t isa, at isakatuparan ang Global Security Initiative. Hinimok din ni Wang ang CICA na pasulungin ang komon, komprehensibo, kooperatibo, at sustenableng seguridad, para mapangalagaan ang kapayapaan sa Asya.

 

Nanawagan din si Wang na dapat igiit ang mutuwal na kapakinabangan, pasulungin ang pagsasakatuparan ng Global Development Initiative, pabilisin ang pagsasakatuparan ng United Nations (UN) 2030 Agenda for Sustainable Development, para magkakasamang pasulungin ang kaunlaran at kasaganaan ng mga bansa ng Asya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac