Oktubre 19, 2022, sa United Nations, binigkas ni Dai Bing, Charge d'affaires ng Permanenteng Misyon ng Tsina sa United Nations (UN) ang magkasanib na pahayag sa ngalan ng 25 bansa.
Sa pahayag, binigyan-diin ni Dai na ang unilateral coercive measures ay grabeng lumalabag sa karapatang pantao at pinalalala ang makataong krisis, kaya dapat agad at lubusan itong ihinto.
Sinabi pa niyang ang naturang mapaniil na mga hakbangin ay lumabag sa Karta ng UN, pandaigdigang batas, multilateralismo at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Inulit ng 25 bansa ang pagtutol sa unilateral coercive measures. Nanawagan silang dapat agarang kanselahin ng kinauukulang bansa ang mga ito.
Ito ang ikatlong beses para sa Tsina na kumatawan sa ngalan ng mga bansang may katulad na opinyon sa Third Committee ng UN General Assembly.
Bukod sa Tsina, pumirma sa naturang pahayag ang Antigua and Barbuda, Belarus, Bolivia, Cambodia, Cameroon, the Central African Republic, Cuba, the Democratic People's Republic of Korea, Egypt, Equatorial Guinea, Eritrea, Ethiopia, Iran, Laos, Nicaragua, Pakistan, Palestine, Russia, South Sudan, Sri Lanka, Sudan, Syria, Venezuela, Zimbabwe.
Si Dai Bing (front), China's deputy permanent representative to the United Nations, speaks during the opening of the main session of the Fifth Committee of the 77th UN General Assembly at the UN headquarters in New York, Oct. 3, 2022/Xinhua
Salin:Sarah
Pulido:Mac