Dahil sa epekto ng krisis ng enerhiya, ipinagpaliban ng mga bansa sa Europa ang proseso nila ng pagbabawas ng emisyon.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Oktubre 20, 2022, sa preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matatag pa rin ang kapasiyahan ng Tsina na tumahak sa landas ng berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad.
Tinukoy ni Wang na nitong nakaraang 10 taon, ang berdeng pag-unlad ay naging tampok sa dekalidad na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Konstruktibong sumali rin ang Tsina sa multilateral na proseso bilang tugon sa pagbabago ng klima, at nagbigay din ito ng historikal na ambag para sa pagbuo, pagsasabisa at pagsasagawa ng Paris Agreement. Palagiang pinapalalim ng Tsina ang South-South Cooperation sa harap ng pagbabago ng klima para tulungan hangga’t maaari ang mga umuunlad na bansa na pataasin ang kakayahan nila sa harap ng pagbabago ng klima, saad ni Wang.
Binigyan-diin ni Wang na pabibilisin ng Tsina ang berdeng pagbabago ng paraan ng pag-unlad, pasusulungin ang may harmoniyang pakikipamumuhay ng sangkatauhan at kalikasan, aktibong sasali sa pagsasa-ayos na pandaigdig sa pagbabago ng klima, para ibigay ang bago at mas malaking ambag para sa pagtatatag ng magandang Tsina at magandang mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Mac