Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa isang porum tungkol sa pandaigdigang pag-unlad na binuksan kahapon, Hulyo 4, 2022, sa Beijing.
Sinabi ni Xi, na sa kasalukuyan, lumalaki pa rin ang agwat sa pag-unlad sa pagitan ng mga umuunlad na bansa at maunlad na bansa, at pumasok ang daigdig sa bagong yugto ng kaligaligan at pagbabago. Kaya aniya, ang pagpapabilis ng pandaigdigang pag-unlad ay naging pangunahing paksa para sa sangkatauhan.
Ani Xi, sa harap ng kalagayang ito, iniharap ng Tsina ang Global Development Initiative (GDI), para isakatuparan ang mas masigla, mas berde, at mas malusog na pandaigdigang pag-unlad, batay sa ideyang “mamamayan muna,” prinsipyo ng pagbabahagi ng benepisyo sa lahat, at mga pandaigdigang ahenda sa kaunlaran.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos