Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, ipininid; Xi Jinping, bumigkas ng mahalagang talumpati

2022-10-23 07:48:31  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing - Ipininid Oktubre 22, 2022 ang 7 araw na Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 


Nangulo sa sesyong ito si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.

 

Naihalal sa sesyon ng pagpipinid ang Ika-20 Komite Sentral ng CPC at Ika-20 Komisyong Sentral sa Inspeksyon ng Disiplina ng CPC, at pinagtibay ang resolusyon ng ulat ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, resolusyon ng working report ng Ika-19 na Komisyong Sentral sa Inspeksyon ng Disiplina ng CPC, at resolusyon ng “Party Constitution amendment.”

 


Sinang-ayunan ng sesyon na isulat sa “Party Constitution amendment” ang mga bagong bunga ng teorya ni Xi Jinping tungkol sa ideyang sosyalistang may katangiang Tsino sa makabagong panahon sapul noong Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.

 

Bukod pa riyan, ayon sa namumunong misyon ng CPC na iniharap sa Ika-20 Pambansang Kongreso nito, isinaayos at pinabuti ang pormulasyon ng “Party Constitution amendment” tungkol sa hangarin ng pagpupunyagi.

 

Nilinaw din sa sesyon ang estratehikong hangarin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunang Tsino na hanggang taong 2035, maisasakatuparan sa kabuuan ang sosyalistang modernisasyon, at hanggang sa kalagitnaan ng kasalukuyang siglo, maitatatag ang Tsina bilang isang moderno at malakas na bansang sosyalista.

 

Sa kanyang talumpati sa sesyon, sinabi ni Xi na may ganap na kompiyansa at kakayahan ang CPC na makalikha ng mas malaking himala sa makabagong panahon.

 

Hinihikayat din niya ang buong partido na pamunuan ang mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad ng bansa na nagkakaisang magpunyagi para komprehensibong mapasulong ang dakilang muling pagpapasigla ng Nasyong Tsino.


Editor: Lito
Pulido: Mac Ramos