Rishi Sunak, nakatakdang maging bagong PM ng Britanya

2022-10-25 16:33:27  CMG
Share with:

Naihalal Oktubre 24, 2022 si Rishi Sunak, bilang Puno ng Partido Konserbatibo ng Britanya.

 

Siya ay dating ministrong pampinansya ng bansa.

 

Makaraang aprubahan ni Haring Charles III, manunungkulan si Sunak bilang punong ministro ng Britanya, at tatagal kanyang termino hanggang Disyembre 2024.

 

Ayon sa British Broadcasting Corporation (BBC), si Sunak ang magiging kauna-unahang Asyano at pinakabatang PM sa kasaysayan ng Britanya.


Si Rishi Sunak (photo from Xinhua)

 Salin:Sarah

Pulido:Rhio