Liz Truss, nagbitiw bilang PM ng Britanya

2022-10-21 18:41:54  CMG
Share with:

Nagbitiw nitong Oktubre 20, 2022, si Liz Truss bilang Punong Ministro ng Britanya at lider ng Conservative Party, naghaharing partido ng Britanya.

 

Patuloy na manunungkulan siya bilang PM ng Britanya hanggang ng makapili ang Conservative Party ng bagong lider sa susunod na linggo.

 

Ayon sa pahayag ng Number 10 Downing Street, sinabi ni Liz Truss na kinakaharap ng Britanya ang di-matatag na kalagayang pangkabuhayan at pandaigdig habang nanungkulan siya bilang PM ng bansa. Pinili siya ng Conservative Party para isaayos ang kalagayang ito, pero inamin niya na nabigo siya sa tungkuling ito.

 

Britain's Prime Minister Liz Truss announces her resignation outside 10 Downing Street. /Daniel Leal/AFP


Salin:Sarah

Pulido:Mac