Tsina, hindi iluluwas ang modelo ng pag-unlad sa iba at hindi gagamitin ang modelo ng pag-unlad ng ibang bansa

2022-10-25 16:35:51  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Oktubre 24, 2022, sinabi ni Sun Yeli, Pangalawang Puno ng Departamentong Pampublisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na matatag ang pagtutol ng Tsina sa mga bansang nagpupumilit ipataw ang kanilang modelo ng pag-unlad sa Tsina.

 

Si Sun Yeli, Sa kanyang talumpati Oktubre 24, 2022, sinabi ni Sun Yeli, Pangalawang Puno ng Departamentong Pampublisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na matatag ang pagtutol ng Tsina sa mga bansang nagpupumilit ipataw ang kanilang modelo ng pag-unlad sa Tsina (photo from Xinhua)


Sinabi niyang hindi nais iluwas ng Tsina ang sariling modelo ng pag-unlad sa ibang bansa, at hindi rin nito gagamitin ang modelo ng pag-unlad ng ibang bansa.

 

Pero idinagdag niyang, kung nais pag-aralan at matutunan ng komunidad ng daigdig ang karanasan ng Tsina, bukas itong ibabahagi.

 

Bukod dito, ipinahayag ni Sun na ayon sa ulat ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, inilahad ang direksyon at target ng Tsina sa pagpapasulong ng de-kalidad pagbubukas sa labas.

 

Tinukoy aniya ng ulat na dapat pabilisin ang pagtatatag ng bagong paderno ng pag-unlad na “dual circulation,” kung saan ang domestikong ekonomikong sirkulasyon ay gumaganap ng mahalagang papel, samantalang pinapanatili naman ng pandaigdigang ekonomikong sirkulasyon ang ekstensyon at suplemento.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio