Unang sesyong plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng CPC, idinaos; liderato ng partido, inihalal

2022-10-23 13:15:43  CMG
Share with:

 

Idinaos ngayong umaga, Oktubre 23, 2022, sa Beijing, ang unang sesyong plenaryo ng Ika-20 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Inihalal dito ang mga miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, mga miyembro ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, at Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.

 

Pinanguluhan at nagtalumpati sa sesyon si Xi Jinping, makaraang muli siyang maihalal bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.

 

Lumahok sa sesyon ang 203 permanente at 168 panghaliling miyembro ng Komite Sentral ng CPC.

 

Samantala, bilang tagamasid, kasali rin sa sesyon ang mga miyembro ng Central Commission for Discipline Inspection (CCDI) ng CPC.

 

Ayon sa nominasyon ng Pirmihang Komite ng Pulitburo ng Komite Sentral, pinagtibay sa sesyon ang listahan ng mga miyembro ng Sekretaryat ng Komite Sentral, pinagpasiyahan ang listahan ng mga miyembro ng Sentral na Komisyong Militar, at inaprobahan ang listahan ng kalihim, pangalawang kalihim, at mga miyembro ng Pirmihang Komite ng CCDI na inihalal sa unang sesyong plenaryo ng komisyong ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan