Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono nitong Oktubre 27, 2022, kay Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ipinadala ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambati kay Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pagkatapos mismo ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, ito ay lubos na nagpakita ng pagtitiwalaan ng Tsina at Rusya sa mataas na lebel, at buong tatag ang suporta ng dalawang bansa sa isa’t isa.
Si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina (file photo)
Sinabi ni Wang na nakahanda ang Tsina na palalimin ang pakikipagpalitan sa Rusya sa iba’t ibang antas para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso at kooperasyon ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan, tungo sa mas mataas na antas.
Samantala, mainit na binati ni Lavrov ang kasiya-siyang pagdaraos ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.
Sinabi niyang ang Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC ay kahanga-hangang pangyayari sa antas ng daigdig, at tiyak na pamumunuan nito ang Tsina upang maayos na isakatuparan ang target ng pagbangon ng nasyong Tsino.
Nakahanda ang Rusya na palakasin ang pakikipagugnayan sa Tsina sa iba’t ibang antas, palalimin ang multilateral na kooperasyon, para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig, saad ni Lavrov.
Nagpalitan din ang dalawang panig ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng Ukraine, at ibang isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Salin:Sarah
Pulido:Mac