Ministro ng Tanggulang Bansa ng Rusya’t Amerika, nag-usap sa telepono: situwasyon ng Ukraine, tinalakay

2022-10-24 16:52:19  CMG
Share with:

Ipinahayag Oktubre 23, 2022 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Rusya, na nag-usap sa telepono sina Sergei Shoigu, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Rusya, at Lloyd Austin, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika.

 

File Photo: Russian Defense Minister Sergei Shoigu in Moscow, Russia on February 16, 2022. /CFP


Ayon sa ulat ng Information Telegraphic Agency of Russia (TASS), tinalakay ng dalawang panig ang situwasyon ng Ukraine.

 

Ito ang ikalawang pag-uusap nina Shoigu at Austin.

 

Matatandaang nauna nang nag-usap sa telepono ang dalawang hepeng pandepensa noong Oktubre 21, 2022, na pinasimulan naman ng panig Amerikano.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio