Idinaos kamakailan ng China Media Group (CMG) ang mga porum kaugnay ng diwa ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga bansang Asyano na gaya ng Pilipinas, Turkey, Laos, at Nepal.
Sa pamamagitan ng mga ito, malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga kalahok tungkol sa mga temang kinabibilangan ng “modernisasyong may istilong Tsino,” at “Belt and Road.”
Sa porum na magkakasanib na idinaos nitong Oktubre 26 ng CMG, Embahadang Tsino sa Turkey, at think tank ng bansa, ipinahayag ni Hakan Okcal, beteranong diplomata ng Turkey, na sa pamumuno ng CPC, halos 100 milyong mahihirap sa kanayunan ang nai-ahon mula sa karalitaan, at walang patid na bumubuti ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa isa pang porum na magkakasanib na idinaos ng CMG at pamahalaan ng probinsyang Luangphabang, Luangnamtha, at Oudomxay ng Laos, ipinahayag ng mga kalahok mula sa iba’t-ibang sirkulo ng bansa, na ang ulat ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC, ay nagsisilbing dokumentong tagapagpatnubay para sa pag-aaral ng Laos sa mga karanasang Tsino.
Sa pulong na idinaos kamakailan ng Pandesal Forum, na pinamagatang “CPC 20th National Congress: Impact on Global and Philippine Trends,” sinabi ni Herman Tiu Laurel, Presidente ng Asian Century Philippines Strategic Studies Institute (ACPSSI), na ang pananaw at polisiya ng Tsina ay mayroong epekto sa Pilipinas, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at mundo.
Narito ang detalye tungkol sa pulong na ito:
https://filipino.cri.cn/2022/10/26/ARTI7xl1oPNEvO2hknyX2sop221026.shtml