Unang pangkat ng tulong na materyal, ipinagkaloob ng Tsina sa mga binagyong lugar ng Pilipinas

2022-10-31 16:43:40  CMG
Share with:

Ipinagkaloob kamakailan ng Konsulada Heneral ng Tsina sa Davao, ang unang pangkat ng mga tulong na materyal sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Paeng.

 

Sa pamumuno ni Konsul-Heneral Li Lin, nagtungo ang grupong Tsino sa Datu Odin Sinsuat, probinsya ng Hilagang Maguindanao, at dinala ang mga botelya ng tubig, instant noodles, lalagyan ng tubig, bigas at iba pang materyal.

 

Nagpasalamat naman sina Bai Ainee Sinsuat, Gobernador ng Hilagang Maguindanao, at Lester Sinsuat, Alkalde ng Datu Odin sa mga tulong.

 

Anila, ang mga ito ay lubos na nagpapakita ng pagkakaibigan ng Pilipinas at Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio