Docking ng Mengtian lab module at Tiangong space station, matagumpay

2022-11-01 16:46:44  CMG
Share with:

Matagumpay na naka-dock ngayong madaling araw, Nobyembre 1, 2022, ang Mengtian lab module sa front port ng Tianhe, core module ng Tiangong space station, ayon sa balita mula sa China Manned Space Agency (CMSA).

 

Tumagal ng mga 13 oras ang buong proseso ng naturang docking.

 

Ayon sa plano, sa susunod na hakbang, isasagawa ang transposisyon ng Mengtian lab module, kasama ng Tianhe core module at Wentian lab module, para buiin ang buong T-shape configuration ng space station.


A view of the Mengtian lab module from the core module Tianhe. /CMG

An animated image of the China Space Station. /CMG


Salin:Sarah

Pulido:Mac