Mengtian lab module ng space station ng Tsina, ilulunsad ng Long March-5B Y4

2022-10-26 16:00:09  CMG
Share with:

Dumating nitong Oktubre 25, 2022, sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa lalawigang Hainan sa dakong Timog ng Tsina, ang kombinasyon ng Mengtian lab module ng space station ng Tsina at Long March-5B Y4 carrier rocket.

 

Ayon sa plano, isasagawa ang pagsusuri at pagsubok sa lab module at pagkatapos nito’y ilulunsad ito sa malapit na hinaharap.

 

Ito ang ikatlong misyon ng Long March-5B sa paglulunsad ng space station module.

 

Ang Long March-5B Y4 carrier rocket ay espesyal na idinisenyo ayon sa hugis at timbang ng Mengtian lab module.

 

Ang Mengtian lab module ng space station ng Tsina at ang carrier rocket na Long March-5B Y4 sa Wenchang Spacecraft Launch Site

 

Inilunsad ng Long March-5B carrier rocket ang Tianhe core module noong Abril 29, 2021

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac